Isa lamang ako sa mga maraming tao na naghahanap ng kasagutan sa maraming mga tanong na naglalaro sa aking isipan.Isang mahalagang bagay ang hangad kong maipahayag sa inyo na galing sa aking sariling palagay at opinyon.
Marami rami na rin akong naririnig at kung minsa'y pinag-aaralang relihiyon dito sa mundo.Kadalasan akong nakikining sa ibat ibang turo ng mga namumuno sa bawat panig. May mga pagkakataong pinaghahambing ko ang bawat isa o kaya naman ay sinusuri kung aling relihiyon ba talaga ang nagpapahayag ng tunay na Salita ng Dyos.Sa pagkakataong ito napag aralan ko na bawat isang relihiyon ay may mga turong tugma o mga pagpapahayag na naglalaman ng mga aral na galing sa tunay na Iglesia ng Dyos.Subalit... sa aking pananaliksik, sa bawat relihiyon din ay may mga maling aral na ipinapahayag sa mga tao.Mga pansariling batas na gawa ng tao na idinaragdag sa turo ng bibliya o sa Batas ng Dyos.Sa bawat relihiyon, oo nga't maraming turo and tama na kanilang ipinapahayag ngunit hindi nawawala ang isa o higit pang mga maling aral buhat sa kanila na labag sa Batas ng Dyos.
Sa aking sariling opinyon at pananaliksik, ang tunay na iglesia ay ang Puso ng bawat tao.Dito nananahan ang Dyos na buhay sa bawat nananampalataya sa Kanya.Kasama natin sa araw araw nating buhay, pag-iisip, pananalita at gawa.Dahil sa makamundong pagnanasa sa kapangyarihan, pag iimbot, inggit, sa laman,kahirapan,at iba pang pansariling kapakanan,nalilimutan natin o ipinagwawalang bahala natin at hindi pinapansin na Siya ay kumakatok,nagsasabi ng mga bagay na dapat nating gawin at tayo ay nagpapasiya ng pansariling desisyon na hangad ay pumaimbabaw, umangat ang prisensya ng katawang lupa na sa tingin natin ay syang tamang lunas sa ikagaganda o ikararangya ng dignidad bilang tao.
Ang Dyos na buhay ay nasa akin, sa iyo, at sa bawat tao sa bawat nilalang na may buhay sa mundo.Nasa puso natin SIYA, ngunit nasa atin lamang ang desisyon kung siya ay pakikinggan upang makamtan ang kanyang biyaya o balewalahin Siya upang malunasan ang pangangailangan natin kahit sa maling gawa para sa ikagiginhawa ng katawang lupa.
Ito po ay buhat sa aking sariling opinyon lamang ...maraming salamat po.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento